^

PM Sports

Morales may gusto pang ma-achieve

Pang-masa
Morales may gusto pang ma-achieve

MANILA, Philippines — Ang makahanay sina Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance at Santy Barnachea ng Team Franzia bilang two-time champions ang gustong gawin ni Ronald Oranza.

“Gagawin ko ang lahat para manalo ulit ako next year,” sabi ng 25-anyos na si Oranza matapos ang pormal na pag-angkin sa Ronda crown sa Stage 12 criterium noong Linggo sa Filinvest, Alabang.

Sa susunod na taon ay ipapadyak ang LBC-bankrolled race sa Visayas at Mindanao.

Kinumpirma ni Ronda executive project director Moe Chulani kay LBC Ronda big boss Dino Araneta ang pagdayo ng karera sa Visayas at Mindanao kung saan ang Stage One ay nakatakda sa Davao sa susunod na taon.

“Yes, we will return to the Visayas and Mindanao next year and we’ll start in Davao City,” wika ni Chulani sa awarding ceremony sa The Tent sa Filinvest, Alabang noong Linggo.

Magpapahinga ng ilang linggo ang tubong Villasis, Pangasinan bago sumabak sa training bilang paghahanda sa darating na Philippine Natonal Games sa susunod na buwan sa Cebu City at sa Le Tour sa Mayo.

Matapos ang 12 stages ay nagsumite si Oranza ng aggregate time na 34 oras, 11 minuto at 23 segundo.

Kumilos si Oranza sa Vigan-Pagudpud Stage Two na kanyang pinagharian bago magposte ng ma-laking bentahe sa karera na tinampukan ng kanyang tatlong lap wins.

Napasakamay ni Oranza ang prem-yong P1 milyon at P300,000 halaga ng Boy Kanin franchise bukod pa ang tropeong idinisenyo ni architect Quin Baterna.

May bahagi din siya sa napanalunang P150,000 ng mga Navymen sa team event.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with