^

PM Sports

Johnson pinag-init ang Heat

Pang-masa
Johnson pinag-init ang Heat

Pinanood na lang ni Paull Millsap ng Denver na umiskor si James Johnson ng Miami.

MIAMI – Binasag nila ang stat system at maski ang modern technology ay nabigong makasabay sa Heat at Denver Nuggets.

Sa loob ng 48 minuto ay nagpalitan sila ng paghawak sa bentahe.

At hindi sapat ang isang overtime para malaman kung sino ang nanalo.

Kumamada si James Johnson ng career-high 31 points habang nagdagdag si Kelly Olynyk ng 30 markers mula sa bench para tulungan ang Mia-mi na magtala ng franchise single-game sco-ring record sa 149-141 double overtime win laban sa Denver.

“They didn’t deserve to be a loser,” sabi ni Fil-American coach Erik Spoelstra ng Heat matapos ang tatlong oras na laro. “Guys probably real-ly enjoyed playing in a game like this.”

Si Olynyk ang naging ikalawang reserve player sa Heat history na umiskor ng 30 points.

Nag-ambag naman si Wayne Ellington ng 23 points para sa Miami na kumonekta ng 20 three-pointers — ang second-most sa franchise history.

Walang nailabas na official boxscore matapos ang laro dahil nasira ang system sa first overtime at nagkagulo ang mga opisyal para madetermina ang official numbers bago tumunog ang final buzzer.

Ang panalo ang nag-angat sa Miami (38-33) sa seventh place sa Eastern Conference at naglayo sa Denver para sa Western Conference spot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with