^

PM Sports

NU at Ateneo kakapit sa No. 2

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapatibay ang kanilang pagkakaluklok sa ikalawang posisyon ang tatangkain parehas ng National University at Ateneo de Manila University sa pagsalang nila sa dalawang magkahiwalay na laro sa women’s division ngayong hapon sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Patas sa kasalukuyan sa second spot kasunod ng namumuno at defending champion De La Salle University (8-2) ang Lady Bulldogs at ang Lady Eagles taglay ang 6-3 panalo-talo.

Mauunang lumaban ang hindi pa natatalo nga-yong second round na Ateneo sa alas-2:00 ng hapon kontra sa University of the East kasunod ang NU na haharapin naman ang Adamson University sa bandang ika-4:00 ng hapon.

Ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ang huling nagsagupa sa nakaraan nilang laban kung saan na-sweep ng una ang huli para makabawi sa first round na pagkatalo nila sa kamay ng NU.

Muling sasandal ang Lady Eagles kina team captain Maddie Madayag, ace hitter Jhoana Maraguinot, Jules Samonte, Ponggay Gaston, Kat Tolentino at setter Deanna Wong na magiging malaking tulong partikular sa pagtaas ng kanilang morale matapos ang naitalang tagumpay kontra sa NU.

Magtatangka namang bumangon ng Lady Bulldogs sa dalawang sunod na pagsadsad sa simula ng second round upang ‘di mapag-iwanan sa labanan para sa top two spots.

Gayunpaman, tiyak na hindi magiging madali ang susuungin ng dalawang koponan partikular ang Lady Bulldogs lalo pa’t magbubuhat sa panalo ang Lady Falcons kontra sa napakalaki nang in-improve na Lady Warriors na siya namang makakatunggali  ng Lady Eagles.

Samantala sa men’s division, magtatapat sa unang laro ang University of the East at Far Eastern University sa ganap na alas-8:00 ng umaga na susundan ng salpukan ng De La Salle at UE sa ika-10:00. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with