^

Punto Mo

Hagupit ni Lapeña lumalatay talaga

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MULING binalasa ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga opiyales nito alinsunod  sa programa ng  pagbabago na ipinangako nito mula nang maupo bilang pinuno ng isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno. Apektado sa nasabing balasahan ang mga collection district ng NAIA, Surigao, Legaspi, Zamboanga, Subic at Manila International Container Port (MICP).

Hindi pa nagtatagal nang balasahin ni Lapeña ang Customs Intelligence and Investigation Service na ang karamihan ay nakatengga pa rin sa Compliance Monitoring Unit (CMU) na ang opisina ay nakatago sa tuktok ng Customs House sa Aduana. Ang karamihan sa naunang naikahon sa CMU ay matiwasay na nadestino sa Mindanao, partikular sa Basilan, Tawi-tawi, Jolo Sulu at Aparri Cagayan. Subukan n’yo raw tumara roon para ma-tararadyin pung pung kayo. Hahahaha

• • • • • •

Mga bugok na taga-assessment division ang promotor ng tara sa BOC

Matagal  na nagpahirap para marating ng ahensiya ang taunang target collections ng BOC ang mga pendejos de mierda (fucking assholes) sa bawat puerto. Gawain ito noon ng mga district collectors lalo na sa Port of Manila at MICP ang mag-imbita ng importers, brokers at middlemen para iparating ang kargamento nila sa puerto kung saan sila naka-assign at presto! Pasok na ang tara, naka-quota pa sila. Karamihan sa nadedestino sa dalawang puertong ito maging ang CIIS  ay gumagamit pa ng politikong padrino para madestino rito o dili kaya ay paborito ng mga Dep. Commissioners at Service Directors dahil maabilidad at marunong mangamuhan. Ang lagay n’yan eh! Productive  daw. Put an end anew daw ngek!

• • • • • •

Tapang at malasakit vs. antigong mga buwisit

Kung nakinig lamang kay Digong ang mga empleyado ng BOC na tigilan na nila ang tara system na gawain nila  hindi na sana humantong sa garapal na sitwasyon ang lahat. Alam naman ni Digong ang sistema at kalakaran sa BOC, pero binalewala pa rin ang hiling ni Mayor na pagbabago, kaya sorry na lang muna at Adios a la vida lujosa!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with