^

Punto Mo

Nananamantalang taxi sa NAIA, bantayan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat umayus-ayos itong mga driver ng metered taxi na pumipila sa mga terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Isang kabulastugan pa ang masumpungan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa isa sa mga ito, ayun tuluyan na silang iba-iban sa mga terminal sa paliparan.

Hindi maitago ni MIAA general manager Ed Monreal ang kanyang galit sa nag-viral na video ng isang Fil- Am blogger na sumakay sa puting metered taxi na nangongontrata sa kanya.

Ang kakapal din talaga ng mukha ng ilan sa mga ito, na akala kapag lumapag ka sa paliparan sangkaterba ang dala-dala mong pera kaya sasamantalahin ka.

Hindi masanay sa parehas na laban o bayad, kailangan manlalamang sa kapwa.

Sangkaterba na pala ang reklamong tinatanggap ng MIAA sa mga pasahero laban sa mga driver ng white metered taxi at karamihan dito ay overpricing, pangongontrata o hindi pagbababa o paggamit ng metro.

Ito ang dapat matutukan ng mga kinauukulan, dahil sa nalalapit na namang mahabang holidays tiyak magiging in -demand ang mga ganitong pampublikong sasakyan sa hindi lamang sa mga paliparan kundi maging sa mga pantalan at terminals.

Ang siste rito, malamang na manamantala ang mga balatubang driver sa kanilang mga pasahero o maisasakay.

Dapat itong matutukan at sampolan na ang mga pasaway, kung kinakailangan igawad ang kamay ng bakal para lamang maipatupad ang disiplina sa mga ito at huwag nang mang-agrabyado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with