^

PM Sports

Alas nadale rin ng ACL injury

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Alas dos pa ng hapon kahapon ang schedule ni Kevin Alas para sumalang sa MRI test, pero inaa-sahan na ni Alas at ng kanyang koponan ang hindi magandang resulta nito.

Lahat ng senyales ay nagsasaad na ACL tear ang tumama kay Alas – kaparehong injury na natamo ni Magnolia forward Marc Pingris ilang araw lang ang nakalilipas.

“Mukhang ACL, wala na siya sa series,” ani NLEX coach Yeng Guiao.

Parehong integral part ng kanilang koponan si Alas at Pingris, pero mukhang mas mabigat ang impact ng pagkawala ni Alas dahil manipis ang backcourt rotation ng NLEX.

Samantalang sa pagkawala ni Pingris, nariyan pa sina Rafi Reavis, Ian Sangalang, Aldrech Ramos, Kyle Pascual at Rodney Brondial para lumaro sa Magnolia frontcourt.

Sa pagkawala ni Alas, sina Kiefer Ravena, Juami Tiongson at Emman Monfort ang natirang point guard ng NLEX na haharap kina Paul Lee, Mark Barroca at Jio Jalalon.

Walang duda na kayang sumabay ni Ravena kahit kanino kina Lee, Barroca at Jalalon. Pero talo sa matchup sina Tiongson at Monfort. 

Sigurado naman na hindi susuko ang NLEX at ito ay bagay na inaasahan at pinaghahandaan ng Magnolia.

***

Plantsado nang makakasama ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang kanyang cage idol na si Allan Caidic sa special three-point shootout na side event sa Digos, Davao del Sur leg ng 2018 PBA All-Star Week.

Naabisuhan na ni PBA commissioner Willie Marcial si Caidic na agad naman na tinanggap ang imbitasyon ng liga sa kanyang paglahok sa All-Star festivities sa Digos sa May 23.

Ang pinag-aaralan na lang ng Commissioner’s Office ay ang exciting na format ng shootout.

“Baka gawin namin na team format,” ani Marcial sa three-point competition na lalahukan din ng pambato ng Gilas Pilipinas at gunners ng Mindanao All Stars.

Tampok sa main event ang All-Star Game sa pagitan ng Team Pilipinas kontra sa Mindanao All Stars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with