^

PM Sports

UAAP Press Corps Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumatag ang reigning women’s titlist De La Salle University sa kanilang pamumuno pagkaraang walisin ang kanilang dalawang asignatura noong nakalipas na linggo sa UAAP Season 80 volleyball tournament.

Bunga ng nasabing dalawang panalo, umangat sila sa 8-2, panalo-talo para sa solong liderato.

At nangingibabaw sa naturang matingkad na performance ng Lady Spikers ang da-ting Finals MVP na si Kim Kianna Dy.

Nagsilbing offensive focal point ng nasabing dalawang panalo ng Lady Spikers na kinabi-bilangan ng straight sets win nila kontra sa University of the Philippines noong Miyerkules ang opposite hitter na si Dy na siyang naging dahilan para tanghalin siyang UAAP Press Corps Player of the Week.

Nagpakita ng solidong laro si Dy sa three-set sweep sa University of the Philippines, 25-15, 25-19, 25-19 makaraang  magposte ng 14 puntos na sinundan niya ng 18 puntos sa kanilang 5-set win, 25-17, 21-25, 16-25, 25-20, 15-5 kontra sa Lady Tams kabilang na ang 4 na puntos na itinala niya sa decider set.

“Yung mindset namin coming into the fifth set was dapat mauna kami, kasi FEU is very aggressive so ‘pag dumikit, mahihirapan kami,” paha-yag ni Dy. “So game plan talaga is unahan sila.”

Sanhi ng naitala niyang pinagsamang 32 puntos noong nakaraang linggo, umangat si Dy sa pang-anim na puwesto mula sa pang-11 posisyon sa hanay ng mga league leading scorers.

Sinapawan niya para sa lingguhang citation sina Ateneo hitter Jhoanna Maraguinot, ang kanyang teammate na si Mary Joy Baron, Adamson skipper Jema Galanza at kakampi nitong si Mylene Paat at ang University of the East spiker na si Mary Ann Mendrez. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with