^

PM Sports

F2 Logistics kakapit sa No. 2 spot

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang F2 Logistics na paigtingin ang hawak sa ikalawang puwesto sa kanilang pagharap sa Generika-Ayala ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tangan ang 5-1 win-loss kartada, inaasa-hang pangungunahan ng import na si Maria Jose Perez ang Cargo Mo-vers sa pakikipagtagpo sa Generika Lifesavers sa alas-7 ng gabi.

Sa iba pang laro target ng Sta. Lucia Lady Realtors ang ikatlong panalo sa pakikipagtipan sa nangulelat na Smart Prepaid Giga Hitters sa alas-4:15 ng hapon.

Galing sa apat na sunod panalo ang Cargo Movers ni coach Arnold Laniog kaya mataas ang kanilang kumpiyansa na maiangat sa limang laro ang winning streak sa pagtatapos ng kanilang first round assignments upang manatiling nakabuntot sa nangungunang Petron Blaze na winalis ang first round elimination sa 7-0 win-loss  kartada.

Ang tanging talo pa lamang ng Cargo Movers ay sa Petron Blaze Spikers, 25-20, 19-25, 19-25, 19-25, noong Marso 3 at ang huling panalo ng F2 Logistics ay sa 2016 champion Foton Tornadoes, 25-18, 23-25, 25-20, 25-16 noong Sabado.

Tiyak na sasandal si coach Laniog kina Maria Jose Perez ng Valenzuela at sa Amerikanong import na si Kennedy Bryan. Ang reigning MVP na si Perez ay may 22 atake at dalawang blocks laban sa Foton habang si Bryan ay umiskor ng 17 puntos kabilang ang 15 atake.

Sa ipinakitang husay nina Perez at Bryan kabilang na sina Kim Fajardo, Aby Maraño at Lourdes Cle-mente, Cha Cruz at Michelle Morente, mahirap pigilin ang kanilang kakayahan sa pag-atake kaya kailangan ng Lifesavers ang mahigpit na depensa.

Ang Generika-Ayala naman ay galing sa 25-21, 25-23, 23-25, 22-25, 15-11 panalo laban sa Smart Prepaid noong Martes para umangat sa 1-4 record.

Itatapat naman ni coach Sherwin Menses ang kanyang dalawang imports na sina Darlin Ramdin ng Tri-nidad-Tobago at Symone Hayden ng US at mga local players na sina Rose Hingpit, Angeli Araneta, Marivic Meneses, Patty Orendain at Mikaela Lopez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with