^

PM Sports

DLSU tumatag sa liderato

Pang-masa
DLSU tumatag sa liderato
Si Joy Soyud ng Adamson laban kay Seth Rod-riguez ng UE.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang defending women’s champion La Salle mula sa 1-2 set na pagkakaiwan upang maigupo ang Far Eastern University, 25-17, 21-25,16-25, 25-20,15-5 kahapon para tumatag sa kanilang pangingibabaw sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Matapos itabla ang laban sa fourth frame, ma-lakas na sinimulan ng Lady Spikers ang decider, 5-0 at hindi na lumingon tungo sa kanilang pag-angat sa 8-2 kartada.

Lumutang ang championship poise ng Lady Spikers sa pangunguna nina Desiree Cheng at Majoy Baron na dinagdagan pa ng agresibong si Julia Ipac upang ibaba ang Lady Tamaraws sa 6-4 panalo-talo.

Sa naunang women’s game, nakabawi ang Adamson University sa kanilang first round tormentor na University of the East matapos ungusan ang 19-25, 25-11, 16-25, 25-16, 15-12 panalo.

Bunga nito, nakaahon ang Lady Falcons mula sa dalawang sunod na pagkatalo at pinalakas ang kanilang Final Four bid sa pag-angat sa markang 4-5, panalo-talo. Kasabay nito, pinutol din nila ang dalawang sunod na panalo ng UE na bumagsak 2-7 .

Sa men’s division, ginaping muli ng National University ang De La Salle University, 26-24, 19-25, 25-20, 28-26 upang maangkin ang unang men’s Final Four slot .

Namuno uli si Bryan Bagunas sa naturang panalo na nagsulong sa Bulldogs sa kanilang ika-anim na sunod na semifinals appearance matapos magtala ng 28-puntos kabilang ang 15 hits at 2 aces.

Ang panalo ang ika-9 ng Bulldogs at ikawalo nilang sunod sa loob ng sampung laro na nagpatibay ng kanilang hawak sa solong pamumuno.

Sa sumunod na laro, pinutol ng University of Sto. Tomas ang kanilang 5-game losing skid matapos padapain ang University of the East, 22-25, 27-25, 25-8, 25-9. FML

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with