^

PM Sports

Oranza kampeon

Pang-masa
Oranza kampeon
Itinaas ni Ronald Oranza ang kanyang mga kamay patawid ng finish line sa huling stage ng Ronda Pilipinas.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Opisyal nang inangkin ni Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance ang kanyang kauna-unahang korona sa Ronda Pilipinas.

Tumapos sa ikalawang puwesto si Oranza sa Stage 12 criterium sa likod ni Navy teammate Jan Paul Morales sa pagtiklop ng Ronda Pilipinas 2018 na inihahandog ng LBC kahapon sa Filinvest, Alabang.

Kapwa nagtala sina Oranza at Morales ng magkatulad na tiyempong isang oras, 28 minuto at 15 segundo para isuot ang una niyang Ronda title sa kanyang total aggregate time na 34:11:23.

Pumangalawa si Morales, ang 2015 at 2016 winner, sa itinalang 34:22:56. Ibinulsa ng tubong Villasis, Pangasinan ang premyong P1 milyon at P300,000 halaga ng Boy Kanin franchise para makasama sa grupo nina Morales, Santy Barnachea ng Team Franzia, Irish Valenzuela ng CCN Superteam, Mac Galedo at Reimon Lapaza bilang mga Ronda champions.

Nagtala si Oranza ng siyam na podium finish tampok ang mga lap victories sa Vigan Stage Once criterium, Vigan-Pagudpud Stage Two at Tarlac Stage Seven Individual Time Trial.

Sa pagtatapos ng karera ay itinaas ni Oranza ang kanyang mga kamay bilang bagong Ronda king.

“Wala akong masabi, sobrang saya ko lang talaga,” wika ni Oranza, hindi nakalahok noong 2017 Ronda dahil sa kanyang paglalaro para sa national team.

Plano ni Oranza na bumili ng lupa at pakasalan ang kanyang nobyang si Maribel Marzan, ang ina ng kanyang 14-buwang gulang na anak na si Ronald, Jr.

Tumapos naman sa No. 3 si Navyman Junrey Navara sa kanyang oras na 34:33:06 na tinampukan ng kanyang ikaapat na CCN King of the Mountain trophy habang hinirang si Morales bilang Petron Sprint King.

Dinomina rin ng mga Navymen ang Versa team race sa ipinosteng 135:13:47 kasunod ang Army-Bicycology, sinuportahan ni dating Phl Sports Commission at Games and Amusement Board chair Eric Buhain, na nagtala ng 136:56:19 sa itaas ng Go for Gold Developmental team (136:59:26).

Ang tanging award na nakalusot sa Navy ay ang MVP Sports Foundation Young Rider honor na nakuha ni Go for Gold Developmental team bet Jay Lampawog.

Pumuwesto si Go for Gold star George Oconer sa No. 4 sa kanyang oras na 34:38:15 kasunod sina No. 5 Jhon Mark Camingao (34:39:30) ng Navy, No. 6 Cris Joven (34:41:21) ng Army-Bicycology, No. 7 Boots Ryan Cayubit (34:43:50) ng Go for Gold, No. 8 El Joshua Carino (34:45:32) ng Navy, No. 9 Jay Lampawog (34:48:03) ng Go for Gold Developmental team at No. 10 Rudy Roque (34:49:52) ng Navy.

Nakalusot man sa kanilang mga kamay ang kampeonato ng LBC Ronda Pilipinas, saludo ang Army team manager at Olympianna si Buhain sa kagitingan na ipinamalas ng bawat miyembro ng team.

“Saludo ako. Sa simula pa lamang yung adhikain ng Philippine Army ay nakatuon sa pagbibigay ng dangal sa kanilang kapwa Armymen na karamihan ay napasabak sa mga kaguluhan sa Mindanao.

 

vuukle comment

RONALD ORANZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with