Red Warriors at Tigresses nagwagi sa UAAP lawn tennis
MANILA, Philippines — Pinasadsad ng University of the East ang Ateneo de Manila University, 3-0, sa men’s finals para maitala ang ‘sweep’ sa UAAP Season 80 lawn tennis tournament kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Dinomina ni Philippine team veteran AJ Lim si Ino Canlas, 6-1, 6-1, sa second singles para pangunahan ang pag-angkin ng Red Warriors sa kampeonato.
Bagama’t hindi nakalaro si Lim sa series opener dahil sa commitment sa Philippine Davis Cup squad ay nagawa pa ring ipanalo ng UE ang siyam nilang laro sa kabuuan ng torneo.
Sa women’s division naman, tinapos ng University of Santo Tomas ang kanilang four-year title drought matapos kunin ang 3-1 panalo kontra sa Ateneo.
Kinuha nina Danica Bautista at Genevieve Caorte ang 6-3, 6-3 panalo laban kina Jana Pages at Carmen So sa second doubles upang kumpletuhin ang panalo ng Tigresses sa Lady Eagles. FMLumba
- Latest