^

PM Sports

Perez nagbida sa panalo ng movers

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagpasiklab si Cuban import Maria Jose Perez para iangat ang nagdedepen­sang F2 Lo­gistics sa 25-18, 23-25, 25-20, 25-16 pa­nalo laban sa Foton sa umi­init na 2018 Chooks to Go-Philippine Superli­ga (PSL) Grand Prix ka­hapon sa Muntinlupa Ci­ty Sports Center.

Sa likod ni Perez ay apat na sets lamang ang ki­nailangan ng Cargo Mo­­vers para masungkit ang ika-limang pana­lo sa anim na laro at ma­na­tili sa likuran ng Petron Blaze Spikers.

Bumagsak sa ikaa­nim na silya ang Tor­na­does, ang 2016 champion, sa ilalim ng Cignal HD at Sta. Lucia na nagsosyo sa ikaapat na posisyon.

Nagtala ng 15 atake at apat na aces ang F2 Lo­gistics para angkinin ang first set, 25-18, na natapos sa 23 minuto.

Ngunit bumawi ang Foton sa second set sa pangunguna nina import Brooke Kranda,  Elizabeth Wendel at Dindin San­tiago-Manabat para kunin ang 25-23 panalo.

Mas lalong hinigpi­tan ng Cargo Movers ang depensa para kunin ang third set, 25-20, sa pa­mumuno nina Cha Cruz at Aby Maraño.

Humataw si Perez ng 25 points kabilang ang 22 atake, dalawang blocks at isang ace para sa magandang pagdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan ngayong araw. FCagape

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with