Tiongco sumipa ng ginto
MANILA, Philippines — Kinailangan lamang ni Muay Thai fighter Jervie Tiongco ang huling 10 segundo sa third round para pabagsakin si Yemelynov Ivan ng Russia at kunin ang gintong medalya sa 51 men’s kgs. finals sa 15th World Muay Federation (WMF)-Muay Thai Championships sa The Bazaar Hotel, Bangkok, Thailand noong Sabado.
Naikonekta ng 21-anyos na si Tiongco ang isang roundhouse kick sa mukha ni Ivan sa natitirang 10 segundo para sa kanyang panalo.
Matapos ang laban ay hindi napigilan ng tubong Olongapo ang mapaiyak.
Nakasama ni Tiongco sa delegasyon si Kickboxing Association of the Philippines (KAP) president Rolando Catoy, trainer/coach Efren Barros at Peter Mark Bayaras, umabante sa quarterfinals.
- Latest