^

PM Sports

NU sasalo sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang muling makasalo sa pamumuno ang susu­bukan ng National Uni­­versity na makuha sa pag­sagupa sa Ateneo de Manila University sa pagtiklop ng second round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pupuntiryahin ng La­dy Bulldogs na makasosyo sa liderato sa pa­kikipag­harap sa Blue Ea­gles nga­yong alas-4 nga­yong ha­pon.

Sa unang laro sa alas-2 ay magtatagpo naman ang Uni­versity of the Phi­lippines at University of San­to Tomas.

Magsisikap ang Lady Bulldogs na makabalik sa win column  matapos ang natamong straight sets loss sa kamay ng Lady Spi­kers sa pagbubukas ng second round.

Nauna nang tinalo ng Lady Bulldogs ang Lady Eagles sa first round.

Ngunit hindi ito magi­ging ma­dali para sa NU dahil galing sa panalo ang Ateneo laban sa FEU.

Habang nasa recovery period mula sa operasyon ang kanilang rookie libe­ro na si Dani Ravena ay  may nakitang pamalit si Thai head coach Tai Bundit sa katauhan ni Ponggay Gaston.

Sa unang laro, pipilitin naman ng Tigresses na makabangon mula sa five-game losing skid na nagbaon sa kanila sa ilalim ng team standings.

Dahil sa pagkadismaya sa kanilang kampanya ay naiyak si UST top hitter Sisi Rondina sa huli nilang pagkatalo.

Hangad naman ng UP na makabawi mula sa straight sets loss sa La Salle para patuloy na buhayin ang tsansang ma­kaabante sa Final Four.

Sa men’s division, ha­ngad naman ng defen­ding champion na Ateneo na makamit ang pang-siyam na sunod na panalo kasama ang pagsikwat sa unang Final Four berth sa pagharap sa FEU sa alas-10 ng umaga makaraan ang sagupaan ng Adamson at UP sa alas-8 ng uma­ga. FMLumba

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with