7-PSL swimmers namayagpag
Beth Repizo-Meraña (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

TOKYO — Pitong Philippine Swimming League (PSL) tankers ang ginawaran ng Most Outstanding Swimmer awards sa pagtatapos ng 2018 Japan Age-Group Swimming Championship na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool dito.

Pinangunahan ni Pala-rong Pambansa-bound Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ang listahan ng mga awardees matapos mangibabaw sa girls’ 11-12 category.

Napasakamay ni Moj-deh ang limang ginto at isang tanso sa individual events kabilang ang tatlong bagong rekord.

Binasag ni Mojdeh ang open record sa 100m butterfly sa pamamagitan ng isang minuto at 6.86 segundo kasunod ang pagbura sa area records sa 50m butterfly (30.65) at 100m Individual Medley (1:11.44).

Umani pa ito ng ginto sa 100m breaststroke (1:08.96) at 200m IM (2:33.02).

Matikas din ang kampanya ni Richelle Anne Callera na winalis ang lahat ng ginto sa kaniyang anim na events para kub-rahin ang MOS award sa girls’ 8-under class.

Bumandera si Cal-lera sa 25m butterfly, 50m butterfly, 25m freestyle, 50m freestyle, 25m backstroke at 50m backstroke.

Pareho namang humirit ng limang ginto at isang pilak sina Aishel Cid Evangelista ng West Manila Christian School (boys’ 8-under) at Coby Marcus Rivilla ng Ormoc (boys’ 9-10) para angkinin ang MOS sa kani-kaniyang dibisyon.

Wagi rin ng MOS si Wisenheimer Academy standout Marc Bryan Dula sa boys’ 11-12 division.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with