Si Rich Guinitaran ng CEU laban kay AJ Coronel ng Perpetual.
PBA D-League photo
CEU sigurado na sa playoffs
(Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasiguro na ng lider na Centro Escolar University ang puwesto sa playoffs matapos ipagpag ang palabang University of Perpetual Help System Dalta, 90-85 kahapon sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Matapos magtayo ng 16 puntos na kalamangan, 80-64 at pitong minuto pa ang natitira sa orasan ay biglang pumurol ang sipit ng Scorpions nang makatanggap ng matinding 19-5 balikwas mula sa Altas para sa dikit na 85-83 kalama-ngan sa huling 1:52 marka.

Nakasandal sila sa depensa ni Keanu Caballero sa kamador ng Altas na si Edgar Charcos tungo sa 5-2 na panapos.

Bunsod nito, naabot na ng CEU ang magic number na pitong panalo kontra isang talo upang masikwat ang isa sa anim na silya papalapit sa playoffs ng Aspirants’ Cup.

Nananatiling solo sa tuktok ng 12-koponang liga, malaki rin ang tsansa ng CEU na makopo ang isa sa dalawang tiket sa semifinals kung saan mag-aabang na lamang sila ng makakatunggali.

Nagtala ng game-high na 27 puntos si Rich Guinitaran para sa Scorpions habang kumambyo ng halimaw na double double si Rod Ebondo sa kanyang 22 puntos, 12 rebounds.

Samantala sa unang laro, binulaga ng Gamboa-St. Clare ang Zark’s Burgers-Lyceum, 107-106 sa umaatikabong overtime sa likod ng ba-yaning si Trevis Jackson.

Nagbuslo ng 29 puntos, anim na rebounds at apat na assists ang Filipino-American na si Jackson para sa Coffee Lovers. ADimasalang

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with