11-gold sa PSL tankers
Beth Repizo-Meraña (Pang-masa) - March 12, 2018 - 12:00am

TOKYO — Humakot pa ang Philippine Swimming League (PSL) ng 11 ginto, 10 pilak at tatlong tanso sa pagpapatuloy ng 2018 Japan Age-Group Swimming Championship na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool dito.

Nanguna sa ratsada si Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Micaela Jasmine Moj-deh na nagtala ng record-breaking performance sa girls’ 11-12 100m butterfly kung saan nagsumite ito ng isang minuto at 6.86 segundo para burahin ang dating marka ni Japanese Hannah Kwamura sa open division noong 2013.

Winasak din ni Mojdeh ang area record ni Sim Minegishi ng Japan na 1:09.15 may 28 taon na ang nakalilipas. Nakahirit pa ng dalawang gintong medalya si Mojdeh sa 100m breaststroke (1:08.96) at 200m Individual Medley (IM) 2:33.02.

“It was a stunning performance from the amazing Jasmine Mojdeh, breaking the open and area records registered more than 20 years ago. We’re so elated with our swimmers’ showing here and we’re expecting more in the coming event,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

Umariba rin si Richelle Anne Callera nang ma-ngibabaw sa girls’ 8-under -25m butterfly sa bilis na 17.52 segundo para pantayan ang rekord na 17.52 sa open division na pag-aari ni Ai Uchiyama noong 2008.

Nakasiguro rin ng ginto si Callera sa 100m IM (1:33.06) para maidagdag sa kanyang nauna nang ginto sa 25m freestyle event noong opening day.

Humakot naman ng tatlong gintong medalya si Coby Marcus Rivilla sa boys’ 9-10 200m IM (2:48.24), 100m butterfly (1:16.59) at 50m backstroke (36.26) habang nagdagdag pa ng dalawang ginto si opening-day gold medalist Aishel Cid Evangelista sa boys’ 8-under 100m IM (1:25.28) at  25m butterfly (17.69), gayundin si Kiara Acierto sa girls’ 8-under 25m backstroke (22.20).

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with