Arum nagdududa pa sa Pacquiao-Matthysse fight
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Noong nakaraang taon ay muntik nang maloko si Manny Pacquiao matapos pumayag na labanan si British star Amir Khan sa United Arab Emirates para sa kanyang dating suot na world welterweight crown.

Ngunit dahil kay Bob Arum ng Top Rank Promotions ay nabistong walang maipakitang pondo ang investment group mula sa UAE para gawin ang nasabing bakbakan nina Pacquiao at Khan.

Ang resulta nito ay ang unanimous decision loss ni Pacquiao kay Australian Jeff Horn noong Hulyo 4 sa Brisbane, Australia.

Kamakalawa ay inihayag ni Aquiles Zonio, ang spokesman ni Pacquiao, na sasagupain ng Filipino world eight-division champion si Lucas Matthysse ng Argentina sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Arum, maniniwala lamang siyang matutuloy ang salpukan nina Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) at Matthysse (39-4-0, 36 KOs) kung maglalabas ng pera ang mga Malaysian investors. “I haven’t been handling that deal. They’ve been handling that deal themselves,” sabi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com sa MP Promotions ni Pacquiao. “Hopefully the money, in the form of a deposit, turns up.”

Nauna nang tinanggihan ni Pacquiao ang paglalagay sa kanilang laban ni Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa undercard ng ikalawang pagdedepensa ni Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang World Boxing Organization welterweight title laban kay American mandatory challenger Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

“The Malaysia part is up in the air. I don’t know these Malaysian people. If they put up the money, it’ll happen, happily. But do I know whether the money will be put up? No, I don’t. It’s as simple as that. It’s exactly like usual. The only difference is the action has now moved from the Mideast to Asia. It used to be the Mideast,” sabi ni Arum. “How many stories were there about [investors in] Abu Dhabi, about Dubai, about Saudi Arabia?”

Kung hindi matutuloy ang pagsagupa ng 39-anyos na si Pacquiao kay Matthysse, ang World Boxing Association welterweight ruler, ay ihaharap ni Arum si Jose Ramirez (21-0-0, 16 KOs) kung mananalo ito kay Amir Imam para sa WBC 140-pound title sa Marso 17.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with