Pacquiao-Horn rematch malabo nang mangyari
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit kapwa manalo sina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa kanilang mga nakatakdang laban ay hindi pa rin tatanggapin ng Australian world welterweight titlst ang rematch sa Filipino world eight-division champion.

Sinabi ni Glenn Rushton, ang chief trainer ni Horn na binigyan na nila ng tsansa ang kampo ni Pacquiao para sa rematch.

“They had their opportunity; they could have come straight back and done the rematch. If you really thought you could do it, you would have done it then,” wika ni Rushton sa panayam ng The Courier Mail. “Realistically, as much as we’d welcome the fight, the chances of Manny Pacquiao fighting Jeff Horn again I think are slim to none,” dagdag pa nito.

Nakatakdang idepensa ni Horn (18-0-1, 11 KOs) sa ikalawang sunod na pagkakataon ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title laban kay American mandatory challenger Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Ang nasabing WBO belt ay inagaw ni Horn kay Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Nauna nang itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang comeback fight ni Pacquiao laban kay dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa undercard ng Horn-Crawford championship bout ngunit ito ay tinanggihan ng 39-anyos na Senador.

“Definitely, Malaysia tayo lalaban, if not May, this coming June.” wika ni Pacquiao sa panayam ng ABC-CBN News. “Mga third week of June, para hindi mag-conflict sa trabaho ‘yung preparation.”

Ang dalawang boksingero na binanggit ni Pacquiaio na maaari niyang labanan ay sina WBA titlist Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) ng Argentina, at Danny Garcia (34-1-0, 20 KOs).

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with