Laban ni Pacquiao sa April alanganin pa
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t inihayag na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagsagupa ni Manny Pacquiao kay Mexican world light welterweight king Mike Alvarado ay tila wala pa ring katiyakan na mangyayari ito.

Ito ay dahil hanggang ngayon ay wala pang napapanalisa sina Arum at Pacquiao para sa comeback fight ng Filipino world eight-division champion.

“We’re working through a bunch of stuff now, putting stuff together,” sabi ni Top Rank president Todd duBoef.

Nauna nang itinakda ni Arum ang bakbakan nina Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) at Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Kagaya ni Pacquiao, si Alvarado ay nasa bakuran din ng Top Rank Promotions ni Arum.

Ang nasabing Pacquiao-Alvarado fight ay undercard sana ng ikalawang pagdedepensa ni Jeff Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown laban kay mandatory challenger Terrence Crawford (32-0-0, 23 KOs).

Ang nasabing WBO title ay hinubad ni Horn kay Pacquiao via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Sinabi ng 39-anyos na si Pacquiao na mas gusto niyang labanan si Argentinian superstar Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) imbes na si Alvarado.

Kamakalawa ay ibinunyag ni chief trainer Freddie Roach ang hindi pagsagot ng Senador sa kanyang mga tawag.

May bulung-bulu-ngan na plano ni Pacquiao na gawing chief trainer niya si Buboy Fernandez, ang assistant ni Roach at kanyang kababata.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with