5-sunod sa Lady Bulldogs
(Pang-masa) - February 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napanatili ng National University ang kanilang pamumuno at ang malinis na record sa women’s division matapos iposte ang ikalimang sunod na panalo kontra sa University of Santo Tomas, 25-19,   14-25, 25-19, 28-26 sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Hindi natinag ang Lady Bulldogs sa kabila ng matinding hamon na ibinigay ng Tigresses partikular sa fourth set upang maangkin ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Nakauna sa matchpoint, 24-22, nahabol at tumabla pa sa kanila ang Tigresses ng dalawang beses bago nakauna sa setpoint, 26-25, matapos ang dalawang dikit na off the block hit ni Sisi Rondina at attack error ni Audrey Paran.

Ngunit mabilis na naitabla ulit ng NU ang set bago tuluyang tinapos ang laro ng magkasunod na kill ni Jaja Santiago at block ni Risa Sato.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang UST sa 2-3 panalo-talo.

Sa unang women’s match, nakamit naman ng Ateneo ang ikaapat na sunod nilang panalo makaraang igupo ang University of the Phi-lippines, 25-20, 25-22, 28-26.

Umiskor si Jules Samonte ng 15-puntos habang nagdagdag si Jhoanna Maraguinot ng 11-puntos para pangunahan ang Lady Eagles sa paangat sa 4-2 panalo-talo.

Nanguna naman para sa Lady Maroons na nabawasan ng manla-laro sa katauhan ni Jesma Ramos na nagtamo ng injury sa kanyang right ankle sa bungad ng third set, si skipper Diana Carlos na may game-high 20 puntos.

Nauna rito,  nagtala naman ng season high 30-puntos ang reigning men’s MVP na si Marck Espejo para pamunuan ang defending champion Ateneo de Manila University sa  25-21, 23-25, 27-25, 25-21 paggapi sa University of the Philippines.

Nagsalansan si Espejo ng 21-hits, 5 blocks at 4 na aces upang giyahan ang Blue Eagles sa kanilang ikalimang sunod na panalo pagkaraang mabigo sa kanilang unang laro sa kamay ng namumunong Far Eastern University (5-0).

Dahil sa kabiguan, ang kanilang ika-apat na sunod matapos ang limang laban, bumagsak ang Maroons na pina-ngunahan ni John Millete na umiskor ng 18-puntos  tungo sa kanilang 1-4 panalo-talo. 

Samantala sa sumunod na laban, nasolo ng National University ang ikatlong puwesto matapos iposte ang ikaapat na panalo sa pamamagitan ng paggapi  sa dati nilang katablang University of Santo Tomas,  18-25, 25-21, 25-18, 25-18.

Nagtala si Bryan Bagunas ng 13 hits, isang block at apat na aces habang umiskor naman si Fauzi Ismail ng 14 hits at tatlong aces para giyahan ang NU sa pag-angat sa 4-1 panalo-talo.

Dahil sa pagkatalo, nahulog naman ang Tigers sa markang 3-2. FML

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with