^

PM Sports

Ateneo Junior Spikers nakauna

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagpag ng Ateneo ang kalawang na dumikit sa kanilang laro dulot ng pinanggalingang 12-day break upang pabagsakin ang National University, 86-70, kahapon sa Game 1 ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament best of 3 finals sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Rekta sa finals matapos walisin ang 14 na laro sa eliminations,  halatang nangalawang ng bahagya ang Blue Eaglets makaraang iwanan ng Bulldogs sa bungad ng first period ng hanggang 13-puntos.

Gayunman,  unti-unting bumawi sa second canto sa pangunguna nina graduating guard SJ Belangel,  Dave Ildefonso at Kai Sotto at itinabla ang iskor sa 31-all sa halftime.

Sa third canto,  tuluyang umagwat ang Blue Eaglets makaraang ma-outscore ang Bullpups,  30-20 para kabigin ang kalamangan sa 61-51 patungo sa huling sampung minuto ng laban.

Buhat doon,  di na nakaporma pa ang Bullpups na natamo ang ikatlong kabiguan sa kamay ng Eaglets ngayong season.

Naitala ni  Kai Sotto ang unang triple double ng torneo na 22-puntos, 16-rebounds at 11 block. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with