^

PM Sports

Simula na ng pagdedepensa ng F2 Logistics

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Uumpisahan na ng F2 Logistics ang pagdepensa sa titulo sa kanilang pagtatagpo kontra sa Cocolife Asset Managers habang kapwa target ng Petron Blaze at Cignal HD ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang paghaharap ngayon sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Sta. Rosa Sports Center sa Sta. Rosa, Laguna.

Maghaharap ang Cargo Movers at Asset Managers sa alas-4 ng hapon habang ang Petron Blaze Spikers at Cignal HD Spikers ay magtatagpo naman sa alas-2 ng hapon bago sa  pormal opening ceremonies sa alauna.

Malakas pa rin ang Cargo Movers dahil anim sa kanilang champion team noong nakaraang taon ay nanatili sa koponan sa pangunguna nina imports Kennedy Bryan, Maria Jose Perez at bagong libero na si Minami Yoshioka ng Japan kasama pa ang bagong saltang si Michelle Morente.

Wala sa lineup sina Majoy Baron, Desiree Cheng, Tin Tiamzon at libero Dawn Macandili na kasalukuyang naglalaro sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament gayundin si Shawna Lei Santos na lumipat naman sa Cocolife Asset Managers.

Inaasahan ang mainit na laban ng Petron at Cignal HD dahil sa kanilang asam na manatili sa top spot ng standing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with