^

PM Sports

Mas mainit ang Warriors

Pang-masa
Mas mainit ang Warriors

Umiskor si Stephen Curry ng Golden State matapos takasan si Danilo Gallinari ng LA Clippers

OAKLAND, California — Umiskor ng todo ang Clippers  ngunit mas maraming iniskor ang defending NBA champion na Golden State tungo sa  134-127 panalo sa harap ng 19,956 crowd sa Oracle Arena.

Pitong Clippers ang umiskor ngdouble figures ngunit sinapawan halos ni Stephen Curry ng Warriors ang kanilang produksiyon sa kanyang ikinamadang 44 points.

Ipinasok ng Clippers ang 50%  ng kanilang tira ngunit ang Warriors ay may 62.7%.

Ang Clippers ay nagpasok ng 34.4% ng kanilang three-point shots, ngunit ang Warriors ay may 56%.

Ang Clippers ay may season-high na 32 assists ngunit ‘di nalalayo ang Warriors na may 31.

Sa Cleveland, umiskor si Bradley Beal ng 18 points habang nagtala si Kelly Oubre Jr. ng 17 markers para pamunuan ang Washington Wizards sa 110-103 panalo laban sa Cavaliers.

Isinuko ng Wizards ang itinayong 11-point lead nang kumamada si Le-Bron James ng 14 sunod na puntos para idikit ang Cavaliers sa 103-106 agwat.

Subalit nagsalpak si Beal ng isang driving layup para ibigay sa Washington ang 108-103 bentahe habang naimintis ni James ang isang free throw kasunod ang isang lane violation. May 8-2 record ngayon ang Wizards sapul nang magkaroon si star guard John Wall ng knee injury.

Naglista si Tomas Satoransky, pumalit kay Wall, ng 17 points at 8 assists para sa Washington. Umiskor naman si James, hinirang na MVP ng katatapos na All-Star Game ng 14 sa kanyang 32 points sa fourth period para sa Cavaliers.

May 2-1 marka ang Cleveland, nakakuha ng 15 markers kay J.R. Smith, matapos hugutin ang apat na bagong players bago ang trade deadline.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with