Matthysse hoping pa rin na makakalaban si Pacquiao
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Argentinian superstar Lucas Matthysse na isang araw ay makakasagupa niya si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ipinarating niya ito sa pamamagitan ng isang Ins-tagram post.

“Ojala se me de esta pelea (I hope this fight comes to me),” sabi ni Matthysse, ang kasalukuyang World Boxing Association welterweight titlist.

Sa isang panayam ay sinabi ng 38-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na gusto niyang labanan si Matthysse  (39-4-0, 36 KOs) sa kanyang pagbabalik sa ibabaw ng boxing ring sa Abril.

“This is the fight that I like… a fight fans would also like to see. I can fight in April or even May,” wika ng Filipino boxing legend.

Ngunit sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na hindi ito mangyayari dahil lumalaban si Matthysse sa bakuran ng kanyang karibal na Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya

“I see he has talked about fighting Matthysse,” wika ni Arum sa panayam ng BoxingScene kamakailan. “But that’s not gonna happen.”

Itinakda ni Arum ang bakbakan nina Pacquiao at da-ting Mexican world light welterweight king Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa Abril 14 sa Las Vegas, Nevada.

Ang laban nina Pacquiao at Alvarado ay magi-ging undercard ng ikalawang sunod na pagtatanggol ni Jeff Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang bitbit na World Boxing Organization welterweight crown laban kay mandatory challenger Terrence Crawford (32-0-0, 23 KOs).

Ang naturang WBO belt ay inagaw ni Horn kay Pacquiao via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with