PSC Cup sa Biñan, Laguna
Francisco Cagape (Pang-masa) - February 17, 2018 - 12:00am

Biñan City, Laguna – Pi­naghandaan nang hus­to ng mahigit 36 qua­li­fiers mula sa iba’t ibang ba­ha­gi ng Luzon ang 2018 Philippine Sports Commission-Man­ny Pacquiao Amateur Bo­xing Cup Luzon Quarter­finals ngayon sa Jose Rizal Covered Court dito.

Lahat ng mga quali­fiers ay nakakuha ng slots matapos ang Luzon Preliminaries noong Ene­ro 28 sa Sorsogon Ci­ty.

Ang mga mananalo ay aabante naman sa Luzon Semifinals sa Pebrero 24 at 25 sa Lingayen, Pangasinan.

Nagpahayag din ng ka­handaan sina B-Boy Cenita ng Mandaluyong sa junior boys pinweight ca­tegory, Collin John Ba­husan ng Baguio Ci­ty sa junior boys pinweight at Carlo Belaro ng Prieto Diaz, Sorsogon sa youth boys flyweight category.

Ayon naman kay  Jon­gie Ramos ng Pili, Ca­marines Sur ay ibu­buhos na niya ang lahat para makarating sa se­mi­fi­nals ng youth boys flyweight pati na si Jano Bar­tolay ng Bulan, Sorsogon sa youth bantamweight at Nicolas Ino­cen­cio ng Mandaluyong sa youth boys bantamweight class.

Malaki rin ang pag-asa ni Rommel Loreca ng Cambulaga, Sorso­gon City na makapasok sa su­sunod na round sa youth boys bantamweight at si Fran­­cis Aya­ay ng Iriga Ci­ty sa youth boys light flyweight division.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with