Pacquiao vs Matthysse malabong mangyari
(Pang-masa) - February 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit gusto ni Manny Pacquiao na labanan si Argentinian superstar Lucas Matthysse ay hindi ito mangyayari.

Ito ang mismong sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng BoxingScene.com matapos ihayag ng Filipino world eight-division champion ang interes na labanan si Matthysse sa Abril.

“I see he has talked about fighting Matthysse. But that’s not gonna happen,” wika ni Arum kay Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na nasa bakuran ng karibal niyang Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya.

Ayon sa veteran promoter, pina-finalize na niya ang laban ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) kontra kay dating Mexican world light welterweight king Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa Abril 14.

“We’re making progress on it,” sabi ni Arum. “I’m gonna talk to Michael [Koncz] tonight and hopefully wrap it all up.”

Ito ay gagawin sa Las Vegas, Nevada at hindi na sa Madison Square Garden sa New York City.

“It’s a bit much, even for New York, particularly with all the stuff going on at Barclays. For us to come there in March, April and May, that’s a lot,” ani Arum sa dalawang boxing card sa Barclays Center malapit sa Brooklyn.

Ang upakan nina Pacquiao at Alvarado ay magiging undercard ng ikalawang sunod na pagdedepensa ni Jeff Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay mandatory challenger Terrence Crawford (32-0-0, 23 KOs).

Ang naturang WBO title ay inagaw ni Horn kay Pacquiao via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia. (RC)

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with