Laban ni Pacquiao isasabay kay Horn
(Pang-masa) - February 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung wala nang magiging problema ay inaasahang mapaplantsa ang muling pag-akyat sa boxing ring ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

At posible itong mangyari sa Abril 14 sa pay-per-view card sa Madison Square Garden sa New York City.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na plano niyang isabay ang laban ni Pacquiao sa ikalawang sunod na pagdedepensa ni Australian Jeff Horn sa kanyang World Boxing Organization welterweight title laban kay dating four-belt light welterweight titlist Terence Crawford.

“We’re going over contracts with four guys that we handle and everything’s coming along nicely,” ani  Arum sa panayam ng Los Angeles Times.

Huling lumaban ang 39-anyos na si ‘Pacman’ noong Hulyo 2 kung saan tinalo siya ni Horn via unanimous decision at naagawan ng hawak na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na paha-yag si Pacquiao kung sino ang gusto niyang labanan.

Isa sa sinasabing maaaring harapin ni Pacquiao (59-7-2, 38 knockouts) ay ang dating Mexican world light welterweight king na si Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs).

Ang 37-anyos na si Alvarado ay nasa dulo na ng kanyang boxing career at inaasahang madaling tatalunin ni Pacquiao. Sumasakay si Alvarado sa isang four-fight winning streak.

Nauna nang sinabi ni World Boxing Association welterweight title-holder Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na gusto niyang labanan si Pacquiao bago tulu-yang magretiro ang Filipino boxing icon ngayong taon.

“I always want to fight with the best. I’ve already said that I would like to do it again with Danny Garcia or a fight with Manny Pacquiao,” wika ng Argenti-nean fighter. (RC)

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with