Ancajas shoot na shoot ang timbang
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng kanyang promoter na si Manny Pacquiao ng MP Promotions, gusto rin ni Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas na kila-lanin sa buong mundo.

“Gusto kong maging pinaka-best boxer sa buong mundo kaya ako nag-boksing,” sabi ng 25-an­yos na tubong Panabo City, Davao del Norte.

Walang kahirap-hirap na nakuha ni Ancajas ang weight limit na 115 pounds para sa kanyang title defense kay Mexican challenger Israel Gonzalez ngayon (Manila time) sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.

Tumimbang si Ancajas (28-1-1, 19 KOs) ng 114 3/4 pounds habang sakto naman sa 114 pounds ang bigat ng 21-anyos na si Gonzalez (21-1-0, 8 KOs).

Ito ang ikaapat na sunod na idedepensa ni Ancajas ang kanyang suot na International Boxing Fe­deration super flyweight crown matapos biguin si­na Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico (TKO 7th round sa Macao), Tei­ru Kinoshita ng Japan (TKO 7th round sa Brisbane, Australia) at Jamie Conlan (TKO 6th round sa Belfast, Ireland).

“Manalig lang siya sa Panginoon, kasi siya ang nagbibigay-lakas at ng tagumpay,” mensahe ni Pacquiao kay Ancajas, pinapirma ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa isang three-fight co-promotional contract. “May tiwala rin naman ako sa kanya.”

Hindi naman binaba-lewala ni Ancajas ang lakas ni Gonzalez, ha-ngad mailista ang kanyang pangalan sa mga world boxing champions ng Mexico.

“Nakita ko ‘yung sparring niya at nakita kong may technique talaga siya, kaya hindi mo siya puwedeng maliitin,” wika ni Ancajas, ang ikalawang world boxing titlist ng Pilipinas matapos si IBF flyweight king Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with