Nagsalita na si Aldin Ayo
(Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinapos ni dating De La Salle coach Aldin Ayo sa pamamagitan ng kanyang social media account ang kanyang pananahimik   hinggil sa mga naunang naglabasang mga balitang iniwan na niya ang Green Archers at lilipat na siya sa University of Santo Tomas.

Pagkaraang itanggi noong matapos ang nakaraang UAAP Season 80 men’s basketball tournament, nagbago umano ng isip si Ayo at nagpas-yang lumipat ng UST.

Nanahimik si Ayo at hindi nagkomento tungkol sa nasabing balita hanggang noong Martes, isang araw pagkaraang magpalit ng taon, nag-post ito sa Twitter ng pamamaalam at pasasalamat sa De La Salle.

“Much gratitude to Boss ECJ (Eduardo Cojuangco), the Managers, School Heads, the De Salle community, all of the Green Archers fans,” wika ni Ayo sa Twitter. “The two years I have spent with the Archers are two well-spent years indeed.”

Sa naturang account ni Ayo, nagpahayag siya ng kadahilanan ng kanyang paglipat at pagbabago ng isip.

“We have different views in handling the team. I’ve always done what is necessary,” dagdag nito sa kanyang post.

Nagbigay linaw din siya ng kadahilanan sa kanyang naunang pananahimik tungkol sa isyu.

“The reason why I kept mum is because of an agreement not to disclose any information before the first week of January or until the school makes its official statement. I am only breaking my silence since the news has come out earlier than expected and only after getting permission,” ayon pa sa post ni Ayo.

Kaugnay nito, kapwa wala pang pormal na pahayag na inilalabas tungkol sa isyu ang pamunuan ng La Salle maging ang UST. FML

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with