Centeno, Amit namayagpag sa taong 2017
(Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Pinay cue artists lamang ang pumasok sa 2017 women’s world top earners na sina  Chezka Centeno at Rubilen Amit.

Si Centeno ay kumita ng kabuuang $11,032 dolyares para sa pang-sampung puwesto at pang-17th naman si Amit sa kanyang $6,200 kinita.

Naunahan ni Centeno si Amit bunga ng kanyang 3rd place finish sa 2017 China Open, 9th fi-nisher sa Amway Cup 2017 at 9th place sa CBSA International Open habang si Amit ay 5th place sa 2017 China Open at 17th place sa Amway Cup.

Sa kasalukuyan, ang 36-anyos na taga-Mandaue, Cebu na si Amit ay pang-pito sa WPBA world ranking sa kabuuang 12,536 puntos at ang 18-anyos na taga-Zamboanga City na si Centeno ay pang-10th rank na women’s player sa buong daigdig sa kanyang 11, 680 points.

Si Centeno ay gold medalist sa women’s singles 9-ball event sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at silver medalist naman sa singles ng 2017 Asian Indoor Martials Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan habang si Amit ay silver medalist sa 2017 SEA Games at silver din sa 2017 AIMAG Games.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with