Wall mananatili pa ng 4-years sa Wizards

Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) officials led by chairman Martin Delgra III stood firm in their decision to go after colorum Uber and Grab vehicles for violating franchise rules and regulations governing public utility vehicles. File

Wall mananatili pa ng 4-years sa Wizards

Emmanuel Tupas (Pang-masa) - July 23, 2017 - 4:00pm

Porter napapirma rin ng bagong kontrata

MANILA, Philippines - Imbes na patagalin pa ang kanyang contract extension, pinirmahan na ito ni John Wall.

Pumayag si Wall sa four-year, $170 million extension sa Washington Wizards sa ilalim ng Designated Player Veteran Exception para siya maging isa sa highest paid players sa NBA.

Bukod pa rito, nasa Wizards na ngayon ang top three players na nakakontrata ng hanggang sa sususunod ng apat na seasons na sina Wall, Bradley Beal at Otto Porter.

Ang extension offer ni Wall ay inihain, dalawang linggo na ang nakakaraan at magsisi-mula ito  pagkatapos ng kanyang kasalukuyang five-year contract sa loob ng dalawang taon.

Makakakuha siya ng kabuuang $207 million sa 2022-23.

Noong nakaraang dalawang linggo, tinapatan ng Wizards ang four-year, $106 million offer sheet ng Brooklyn  para ma-retain si Porter.

Dahil na-retain ng Wizard ang kanilang magagaling na batang players, intact pa rin ang batang nucleus players ng Wizards para maging palaban pa rin sa Eastern Conference matapos mabigong makuha ang puntiryang si Kevin Durant. “I think we’ve proven that we have as much resources and as much tools as anybody in the league and we’re in the tax,” sabi ni Leonsis. “We’ll spend whatever we need to get better, but we’re going to get better by keeping our core together and then adding to it.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with