^

PM Sports

Irving iiwanan si James at ang Cavs

Alexis Romero - Pang-masa
Irving iiwanan si James at ang Cavs

Health Secretary Paulyn Ubial shows samples of graphic health warnings on cigarette packs during a press conference in Quezon City. MICHAEL VARCAS, file

CLEVELAND - Hindi ito inaasahan ng Cavaliers na gagawin ni star guard Kyrie Irving.

Ilang araw na ang nakakalipas ay sinabihan ni Irving, naging malaking bahagi ng paghahari ng Cavaliers noong 2016 at sa tatlong sunod na NBA Finals appearances, si team owner Dan Gilbert na gusto na niyang umalis sa Cleveland.

Sinasabing gusto na ng 25-anyos na Australian-born All-Star point guard na masolo ang spotlight at humiwalay kay NBA superstar LeBron James.

Isang four-time All-Star, naglaro si Irving ng anim na seasons para sa Cavaliers, ang humirang sa kanya bilang No. 1 overall pick noong 2011 NBA Draft.

Nalampasan ng 25-anyos na si Irving ang kanyang mga injury issues at isa ngayon sa mga elite point guards na naglalaro sa NBA.

Kasama si James, natulungan ni Irving ang Cleveland na makamit ang kauna-unahan nitong NBA championship matapos talunin ang karibal na Golden State Warriors noong 2016 NBA Finals.

May natitira pang dalawang taon na kontrata si Irving sa Cavaliers kung saan may tangan siyang pla-yer option sa 2020.

Ang mga posibleng lipatan ni Irving ay ang San Antonio Spurs, New York Knicks, Miami Heat at Minnesota Timberwolves.

Inaasahang bibitawan ng Knicks si key player Carmelo Anthony, ngunit tila mas gusto ng koponan na mapanatili si Kristaps Porzingis.

Habang naging abala ang mga koponan sa pagpapapirma sa mga free agents, hindi naman ito magawa ng Cleveland dahil sa kanyang salary-cap issues.

Sa Washington, pinapirma ng Wizards si star guard John Wall sa isang four-year, $170 million contract extension.

Sa San Antonio, pumayag si veteran center Pau Gasol na lagdaan ang inalok na three-year contract para patuloy na maglaro sa Spurs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with