_pang-masa
^

Ursabia, Batungbacal tinanghal na UAAP athletes of the Year

(Pang-masa) - May 21, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Hinirang sina Adamson University softball standout Angelie Ursabia at Ateneo swimming stalwart Aldo Batungbacal bilang UAAP Athlete of the Year sa pagtitiklop ng Season 79 sa isang seremonya na ginanap sa Plaza Mayor sa loob ng University of Santo Tomas campus noong Sabado.

Pormal na kinoronahan ang UST bilang seniors general champions para sa pang-41 pagkakataon at juniors overall titlist para sa ika-17 beses.

Ang presidente ng Far Eastern University na si Michael M. Alba ang tumanggap naman ng chairmanship ng UAAP Season 80 mula kina Season 79 president Fr. Ermito de Sagon at UST rector Rev. Fr. Herminio Dagohoy OP.

Sinundan nina Ursabia at Batungbacal ang yapak ng kanilang mga teammates na sina Queeny Sabobo at Jessie Khing Lacuna, nakamit ang pinakamataas na individual honor noong nakaraang season.

Inangkin ni Ursabia, solido ang inilaro sa kanyang huling taon para sa Lady Falcons, ang season MVP honors pati na ang Most Homeruns at Best Slugger awards.

Bukod sa paggiya sa Adamson sa pagtatala ng record na ‘seven-peat’, naging miyembro rin si Ursabia ng national team na Blu Girls para sa 2016 World Cup of Softball XI sa Oklahoma City at sa World Women’s Softball Championships sa Surrey, Canada.

Mula naman sa pamumuno ni season MVP Batungbacal ay dinomina ng Blue Eagles ang four-day swim meet para sa kanilang ikatlong sunod na titulo.

Nanguna si Batungbacal sa 1,500-meter freestyle (16:42.21) at nagsumite ng bagong league marks sa 200-meter breaststroke (2:22.95), 100-meter breastroke (1:05.78) at 400-meter individual medley (4:39.98).

Naging miyembro rin siya ng Team UAAP-Philippines na lumahok sa 18th ASEAN University Games sa Singapore noong nakaraang taon.

Sa juniors division, sinikwat naman nina De La Salle-Zobel tanker Nicole Pamintuan at National University volleyball player Lorence Cruz ang Athlete of the Year honors.

Kinilala rin ng UAAP ang mga Athlete Scholars na sina Rhia Gaite ng Adamson basketball, Patricia Sarmiento ng Ateneo fencing, Michael del Prado ng De La Salle track and field, Janelle Mae Frayna ng FEU chess, Michael Minuluan ng NU badminton, Nathaniel Perez ng University of the East fencing, Jose San Juan ng UP baseball at Noelito Jose Jr. ng UST fencing.

Hinirang din sina Jay Ancheta (Adamson), Philip Santos (Ateneo), Sacho Ilustre (De La Salle-Zobel), Marvin Miciano (FEU-Diliman), Faith Nisperos (NU), Samantha Catantan (UE), Zoe Hilario (UP Integrated School) at Ronalyn Lalimo (UST) bilang Athlete Scholars sa high school division.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with