^

Quarterfinal slot asam ng SMBeer vs TNT Katropa

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 5, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pipilitin ng San Miguel na mapitas ang ikalawang quarterfinals seat nang wala si three-peat PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, habang tatlong players naman ang hindi magagamit ng TNT Katropa.

Magsusubukan ang Beermen at ang Tropang Texters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Phoenix Fuel Masters at Globalport Batang Pier sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t ‘di lalaro ang  6-foot-10 na si Fajar-do, nagtala ng mga ave-rages na 14.0 points at 8.0 rebounds sa limang sunod na panalo ng San Miguel, kumpiyansa pa rin si head coach Leo Austria na makakamit nila ang ikaanim na sunod na panalo tangay ang quarterfinals berth.

“May mga pamalit kami pero may mala-king adjustments pa rin na gagawin kasi our plays revolve around June Mar,” wika ni Austria kina Jay-R Reyes, Yancy De Ocampo at rookie Arnold Van Opstal.

Ang mga tinalo ng Beermen ay ang Meralco Bolts, Fuel Masters, Star Hotshots, Mahindra Floodbuster at ang nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters.

Hindi naman makakalaro para sa Tropang Texters sina Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy na nagtala ng pinagsamang average na 40 points, 13.0 rebounds at 9.0 assists.

Sina Fajardo, Castro, Rosario at Pogoy ay ipinahiram sa Gilas Pilipinas na sasabak sa SEABA Men’s Championships sa Mayo 12-18 sa Big Dome.

Ang mananalo sa pagitan ng San Miguel at TNT Katropa ang maglalapit sa kanila sa ikalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals na ang unang insentibo ay nakuha ng Meralco matapos talunin ang Phoenix, 81-66 noong Miyerkules.

Samantala, ipaparada ng Beermen si Matt Ganuelas-Rosser na nagmula sa Tropang Texters bilang kapalit ni RR Garcia matapos ang kanilang trade kamakailan.

Sa unang laro, kapwa naman mag-iiwasan na malagay sa komplikadong sitwasyon ang Globalport at Phoenix.

“Must win situation for us,” sabi ni mentor Franz Pumaren sa Batang Pier na ipinahiram si Terrence Romeo sa Gilas kagaya ni Matthew Wright ng Fuel Masters para sa SEABA tournament.

JUNE MAR FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with