^
Wizards, Celtics lumapit sa 2nd rnd.
Si Bradley Beal ng Washington laban kay Ersan Ilyasova ng Atlanta.

Wizards, Celtics lumapit sa 2nd rnd.

(Pang-masa) - April 28, 2017 - 12:00am

WASHINGTON -- Nabawi ng Wizards ang kalamangan sa serye nang padapain ang Atlanta Hawks, 103-99 sa Game Five.

Humataw si Bradley Beal ng 27 points habang naglista si John Wall ng 20 points at 14 assists para sa 3-2 bentahe ng Washington laban sa Atlanta.

“We know that we just gave up two games (in Atlanta),” sabi ni Beal. “At home we have a different edge about ourselves and we’re more locked in. We have to have the same approach down in Atlanta.”

Nagdagdag si Otto Porter ng 17 markers tampok ang 9-of-10 shooting sa free throw line at tumipa si Bojan Bogdanovic ng 14 points mula sa bench para sa Wizards, sasagupain ang Hawks sa Biyernes para sa Game Six sa Atlanta.

Pinangunahan ni Dennis Schroder ang Hawks sa kanyang 29 points at 11 assists, samantalang nagtala si Paul Millsap ng double-double sa kanyang 21 points at 11 rebounds.

Nag-ambag si Tim Hardaway ng 15 points kasunod ang 10 markers ni Taurean Prince at humakot si Dwight Howard ng 5 points at 10 rebounds.

Sa Boston, dumiretso ang Celtics sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos talunin ang Chicago Bulls, 108-97 para ilista ang 3-2 bentahe sa kanilang serye.

Tumipa sina Isaiah Thomas at  Avery Bradley ng tig-24 points para pangunahan ang Boston, nakabangon mula sa 0-2 pagkakabaon sa Chicago.

Nagdagdag si Al Horford ng 21 points at 9 assists para sa Celtics, dadayo sa Chicago para labanan ang Bulls sa Game Six sa Biyernes.

Pinangunahan ni Dwyane Wade ang Bulls sa kanyang 26 points, 11 rebounds at 8 assists sa loob ng 35 minuto at nag-ambag sina Jimmy Butler at Robin Lopez ng tig-14 markers.

BRADLEY BEAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with