De Guzman hinirang na team captain ng men’s volleyball team sa SEAG
(Pang-masa) - April 21, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Hinirang si dating St. Benilde star at NCAA Most Valuable Player Johnvic de Guzman bilang team captain ng men’s national volleyball team.

Ang koponan ay isasabak ni national head coach Sammy Acaylar sa mga international competitions, kagaya ng darating na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Si De Guzman ay naging miyembro din ng national team na sumabak sa 2015 SEA Games.

Ibinigay ni De Guzman sa St. Benidle ang ka-una-unahan nitong NCAA men’s crown matapos agawin ang titulo sa Perpetual Help Altas na hina-wakan ni Acaylar.

Bukod sa volleyball ay abala din si De Guzman sa kanyang acting career matapos mapanood sa Metro Manila Film Festival hit na “Seklusyon”.

Maliban kay De Guzman, ang iba pang nasa national pool ay sina Ranran Abdilla, Howard Mo-jica, Lorenzo Capate Jr., Bonjomar Castel, magkapatid na Rey at Relan Taneo, Mark Alfafara, Reyson Fuentes, Eddiemar and Esmail Kasim, Jeff Malabanan, Anjo Pertiera, Erickson Ramos, Geuel Asia, Mark Deximo, Dave Cabaron, John Kenneth Sarcena, John Carascal, Louie Chavez, JP Bugaoan at Peter Quiel.

DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with