Lumipad si San Miguel import Charles Rhodes para sa kanyang two-handed slam.
PM photo ni Jun Mendoza
SMBeer giniba ang Mahindra
Russell Cadayona (Pang-masa) - April 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - May ilang pagkaka-taon na tinalo ng dehadong Mahindra ang San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup at Governor’s Cup.

Kaya naman sa ka-nilang paghaharap kagabi ay hindi na pinaporma ng Beermen ang Floodbus-ter.

“Tumatak sa utak nila na we can’t take this team for granted,” sabi ni San Miguel head coach Leo Austria sa Mahindra. “Palagi kaming tinatalo ng team na ito eh.”

Kumamada si veteran point guard Alex Cabag-not ng 16 sa kanyang game-high na 26 points sa first period para banderahan ang Beermen sa 109-80 panalo laban sa Floodbuster sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagdagdag naman sina import Charles Rhodes, Marcio Lassiter at Gabby Espinas ng 20, 18 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa ikaapat na sunod na pagkamada ng SMC fran-chise.

Sa pamumuno ni Ca-bagnot ay itinala ng San Miguel ang 32-16 abante sa first quarter hanggang mapalaki ito sa 95-61 kalamangan kontra sa Mahindra sa huling 8:48 minuto ng final canto.

Dahil naging magaang ang panalo ng Beermen ay nabigyan ni Austria ng mahabang pahinga sa bench si three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Hindi umiskor si Fa-jardo at may 4 points naman si one-time PBA MVP Arwind Santos.

Nagtala si rookie Matthew Wright ng 16 points.

SAN MIGUEL 109 - Cabagnot 26, Rhodes 20, Lassiter 18, Espinas 12, McCarthy 7, Reyes 6, Tubid 6, Santos 4, Van Opstal 4, Ross 2, Heruela 2, Agovida 2, Fajardo 0, Semerad 0, De Ocampo 0.

Mahindra 80 - Wright 16, Celda 13, David 13, Corpuz 10, Revilla 7, Yee 7, Deutchman 6, Salva 4, Guevarra 2, Caperal 2, Pa-niamogan 0, Galanza 0, Teng 0, Ballesteros 0.

Quarterscores: 32-16; 55-31; 86-59; 109-80.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with