NU, FEU kampeon sa UAAP chess
(Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dinomina ng National University ang men’s division sa ikalawang sunod na taon habang napasakamay naman ng Far Eastern University ang women’s championship sa UAAP Season 79 chess tournament na nagtapos sa Henry Sy Sr. Hall sa De La Salle University campus.

Nagposte ang Bulldogs ng 14-round total na 44 points para ungusan ang Tamaraws na may 39 points.

Inangkin ni IM Paulo Bersamina ang kanyang pangalawang sunod na season MVP honors nang tulungan ang NU sa pang-apat na korona sa kabuuan.

Pumangatlo ang University of the East sa kanilang 33.5 points.

Naging balikatan naman ang bakbakan sa wo-men’s championship sa pagitan ng FEU at De La Salle.

Nakipag-draw ang Lady Tamaraws sa Lady Archers, 2-2 sa final round at tumapos na may magkatulad na 44.5 points ngunit nakuha ng Morayta-based woodpushers ang titulo via tiebreak dahil sa pinakamarami nilang panalo, 12-11.

Ibinulsa ni Janelle Mae Frayna, ang unang woman Grand Master ng bansa, ang kanyang ikalawang MVP plum sa kanyang  huling tatlong taon at iginiya ang FEU sa pangatlong korona.   Nakuntento naman ang Lady Warriors sa ikatlo sa kanilang 27.5 points.

Pinamunuan ni Bersamina, ang top board player ng NU, ang mga men’s gold medalists kasama sina Rhenzi Kyle Sevillano (Board 2) ng FEU, FM Austin Jacob Literatus (Board 3) at Vince Angelo Medina (Board 4) ng NU at Jose Carlo Castro (Board 5) at Ferdinand Aviles (Board 6) ng FEU.   Si Gavin Lloyd Ong ng Ateneo ang hinirang na Rookie of the Year.

Bukod sa Board 1 player na si Frayna, ang iba pang women’s gold medal winners ay sina WFM Shania Mae Mendoza (Board 2) ng FEU, Rowelyn-Joy Acedo (Board 3) ng La Salle, Venice Vicente (Board 4) ng FEU, Mira Mirano (Board 5) at Ella Grace Moulic (Board 6) ng La Salle.

Samantala, napanatili naman ng FEU-Diliman ang kanilang juniors title mula sa isinulong na 42 points.

NU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with