Derrick Rose
D-Rose out na sa season
(Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

NEW YORK -- Maagang natapos ang NBA season ni Derrick Rose.

Ito ay dahil sa isa na namang knee surgery.

Nagkaroon ang New York Knicks guard ng torn cartilage sa kanyang kaliwang tuhod at inihayag ng koponan na hindi na siya makakalaro sa huli nilang limang laban sa season.

“It’s tough for Derrick. He’s played hard all year,” sabi ni coach Jeff Hornacek kay Rose. “I didn’t hear the real report on it. He’ll get that taken care of and probably be back. But he’s worked hard (over) the last summer with yoga, those kind of things, to get his body in great shape. Feel bad for him.”

Hindi siya naglaro sa pagharap sa Boston Cetics noong Linggo at sinabi ng Knicks na ang injury ay isang pananakit at pamamaga lamang ng kaliwang tuhod ni Rose.

At naniwala si Hornacek na makakapaglaro pa si Rose ngayong season.

Ngunit sa halip ay papasok si Rose sa free agency galing sa arthroscopic surgery.

“That’s a quick-healing injury. It could have been worse. You can look at it that way,” sabi ni New York teammate Courtney Lee. “But I feel for him and I am going to shoot out a lot of prayers for him and for a speedy recovery.”

DERRICK ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with