^

PM Sports

Tatapusin na ng Cignal-SBC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Puntirya ng Cignal-San Beda na masungkit ngayong hapon ang kampeonato ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup laban sa Racal Ceramica sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Magsisimula ang Game Two ng kanilang best-of-three Finals series sa ganap na alas-3 ng hapon.

Nakauna ang Cignal sa unang laro ng serye matapos mabigo ang Racal na talunin sila sa pangalawang pagkaka-taon sa torneo, 93-85.

Nahaharap sa ma-tinding hamon ang Racal na nais humirit ng winner-take-all Game Three kontra sa kalaban na nagtagumpay ng 12 beses sa kanilang huling 13 laro.

Umaasa ang kanilang head coach na si Jerry Codiñera na mas magi-ging handa ang kanyang koponan sa opensa at depensa ngayong Game Two.

“We cannot let Cignal run their offense. It’s going to be difficult for us to catch up,” ani Codiñera pagkatapos ng Game One. “We need to make those open shots. Against CafeFrance, we were able to make those shots but this time, we’re unable to do that.”

Patuloy na ha-hanapin ng Tile Masters ang kontribusyon nina Rey Nambatac, Sidney Onwubere at Kent Sala-do, na maglalaro nga-yon matapos magtamo ng right ankle sprain sa fourth quarter ng Game One upang maitabla ang serye tungo sa deciding Game Two.

Buong-lakas naman silang haharapin ng Hawkeyes sa pamumu-no ni MVP candidate Jason Perkins, dating pro Pamboy Raymundo at Robert Bolick na gigil nang tapusin ang serye.

“I’m excited for Game Two because we know they’re going to comeback strong,” pahayag ni Perkins. “It should be a fun game.”

Bibigyang-parangal din bago magsimula ang laro ang tatanghaling Most Valuable Player ng Aspirants’ Cup ngayong taon sa alas-3 ng hapon. FMLumba

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with