Final cast malalaman na
(Pang-masa) - March 27, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magtatapos ngayong hapon ang semifinal round ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa pamamagitan ng dala-wang winner-take-all Game 3 match-ups sa Ynares Arena sa Pasig.

Susubukang kumpletuhin ng Cignal-San Beda ang kanilang pagbalik mula sa kanilang pagkatalo sa Game One laban sa Tanduay sa ganap na alas-5:00 kasunod ng harapang CafeFrance at Racal Ceramica sa ganap na alas-3:00 upang malaman ang dalawang koponan na maglalaban para sa titulo ng Aspirants’ Cup.

Sa seryeng naging tema ang youth versus experience, nagpakitang-gilas sina dating De La Salle University center at Aspirants’ Cup MVP candidate Jason Perkins at dating pro na si Pamboy Raymundo para talunin ang Rhum Masters sa iskor na 89-86 at isalba ang kampanya ng Hawkeyes na natapos sa unang puwesto sa standings pagkatapos ng elimination round.

Naniniwala si Cignal head coach Boyet Fernandez na kung magagawa ng kanyang mga manla-laro ang kanilang ipinakita sa Game Two ay malaki ang tsansa nilang manalo.

“It’s a do-or-die game and I do believe that if my players will continue to play the way they’ve been playing then it will give us a chance,” ani Fernandez.

Muling pamumunuan nina Perkins, Raymundo, Javee Mocon at Benedict Adamos ang Hawkeyes laban kina Mark Cruz, Jerwin Gaco, Lester Alvarez, Jaymo Eguilos at Bong Quinto na siyang ma-ngunguna para sa Rhum Masters na puntirya ang kanilang pangalawang sunod na pag-apak sa Finals.

Sa kabilang serye, nakakuha ng magandang kontribusyon ang school-based team na CafeFrance sa kanilang beterano na si Aaron Jeruta para talunin ang Racal sa unang pagkakataon sa torneo, 86-75.

Ito rin ang nais na makita ni CafeFrance head coach Egay Macaraya, hindi lamang kay Jeruta, kundi pati na rin sa iba pa niyang beterano mula sa CEU tulad ni JJ Casiño at Joseph Sedurifa upang tulungan ang kanilang import na si Rodrigue Ebon-do at MVP candidate Paul Desiderio na buhatin ang kanilang mas batang koponan kontra kina Kent Salado, Rey Nambatac, Sidney Onwubere, Allan Mangahas at Jackson Corpuz na gustong dalhin ang Racal sa Finals ng liga sa unang pagkakataon.

“As a young team, I always motivate the boys using ‘life-changing moments’, ‘yan ang lagi kong nilalagay sa board,” pahayag ni Macaraya. “If it’s our destiny to go to the Finals then it will be much better for a young team like us.” (FML)

FINAL CAST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with