SEA Youth Athletic C’ship: Phl Youth tracksters sasabak na
Francisco Cagape (Pang-masa) - March 27, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sasabak na ang mga batang miyembro ng Philippine National Youth team sa paglarga ngayon sa 12th Southeast Asian (SEA) Youth Athletic Championship na gaganapin sa Ilagan Sports Complex sa Ilagan City, Isabela.

Simula alas-8 ng umaga matutungyahan agad ang finals sa boys 3,000-m run, boys high jump, girls  3,000-m run, boys long jump, girls javelin throw at boys discuss throw habang sa hapon naman ay heats ng girls 100-m dash, boys 100-m dash at girls 800-m run.

Isa si Labor Secretary Silvestre Bello III, tubong Ilagan City, ang inimbitahan sa opening ceremonies kasama sina Patafa president Philip Ella Juico, Ilagan City Mayor Evelyn Diaz at Isabela Governor Faustino Dy III bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng kumpetisyon kahapon alas-5 ng hapon.

Lahat ng mga events ay magsisimula sa alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:30 ng tanghali at magpapahinga lahat ng mga atleta hanggang alas-2:30 ng hapon at magpapatuloy ang aksiyon hanggang  alas-5:20. Sa open field event ay aabot hanggang alas-8 ng gabi.

Ang mga batang atleta mula sa pitong bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore, Timor Leste, Brunei, Vietnam at host Philippines ay nangako ng matagumpay na kampanya sa taong ito.

Idineklara naman ni Ilagan City Mayor Evelyn Diaz na special non-working holiday sa March 28 at 29 kaugnay ng pagdaraos sa nasabing athletics event para makapanood ang lahat na residente na bihirang matunghayan ng lungsod.

Sabi ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico na mahigit 147 mga bagong discovery mula sa Palarong Pambansa at Batang Pinoy competitions ang kakatawan ng Team Philippines kung saan tatlong atletang Pinoy ang sasabak bawat event para sa may edad 17-anyos pababa.

Pagkatapos ng SEA Youth competitions, lalarga naman agad ang 2017 National Track and Field Open Invitational mula Marso 30 hanggang sa Abril 2 sa parehong venue.

Inaasahang mahigit isang libong atleta naman mula sa 18 rehiyon sa bansa ang inaasahang sasabak sa apat na araw na  kumpetisyon kontra sa mga miyembro ng national training pool.

Kabilang sina Rio Olympian Marestella Torres-Sunang, Christopher Ulboc, Jesson Ramil Cid, Mervin Guarte, Edgardo Alejan Jr., Archand Christian Bagsit at Janry Ubas ang lalahok sa national open na isang obligatory competition sa lahat ng mga miyembro ng national team. 

SOUTHEAST ASIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with