Labanang Sakima at Blue Berry
(Pang-masa) - March 24, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Maraming karerista ang maaaring tumapos sa mga gaganaping karera ngayon sa San Lazaro Leisure and Business Club dito sa Carmona Cavite.

Ang isa sa dahilan ay hindi nila palalagpasin ang mga pakarerang kapana-panabik na mapanood at malaman kung sino ang magwawagi.

Isa na rito ang pinakamataas na grupong Handicap-8/9/10 merged na lalahukan ng walong kaba-yong nabibilang sa mga de-kalibre at pawang mga kampeon.

Pinangungunahan ito ng American imported runner na panlaban ng Santa Clara Stockfarm na tinawag na Sakima. Ang Sakima na kinukundisyon ni Tito Santos at gagabayan ni jockey John Alvin Guce ay siyang kampeong kabayo kahit pagsamahin man ang imported at locally-bred.

Ang ipinalalagay na mahigpit na makakalaban nito dahil na rin sa ikli ng 1,300 meters distance race ay ang abuhing kabayong Blue Berry na pa-mato naman ni E.B. Dimacuha at ipina-eensayo ni Ruben S. Tupas. Si Jessie B. Guce ang napili nila para sakyan ang Blue Berry.

Kamakailan lang ay ginusto at kamuntik nang talunin ng Blue Berry ang sprinter na Skyway. Pero magkalapit lang na nagkatalo ang dalawang kabayo.

Pinaniniwalaan rin na makasisilat ang iba pang mga dehadong entries katulad ng lahok ni Hermie Esguerra na Manalig Ka na dadalhin ni Mark M. Gonzales, gayundin ang isa pang lahok ni Dimacuha na Up And Away.

Kabilang pa rin sa tatakbo para sa grupo ang mga sumusunod: Pricess Ella na sasakyan ni Ramon D. Raquel Jr., Hot And Spicy na rerendahan ni Rodeo G. Fernandez, Apple Du Zap na lalatiguhin ni E.G. Reyes Jr., at Wild Wild West na si J.G. Espinosa ang gagabay.

Sa ikaapat na karera naman nakapasok ang isa pang magandang pakarera na sa 1,400 meters naman ilalarga. Ang mga kasali rito ay ang mga sumusunod: Valenzuela, Jazz Wild, Zapima, Burbank, Guimaras Island, Cinderella Kid, Alta’s Finest, Pradera Verde, Wo Wo Duck at Glitter Face. - JM

 

SANTA CLARA STOCKFARM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with