Lady Falcons abot-kamay na ang ika-7 UAAP softball title
(Pang-masa) - March 22, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Lumapit ang Adamson University sa pagpapalawig sa kanilang dominasyon sa wo-men’s softball sa pitong taon, habang abot-kamay na ng Ateneo ang korona ng men’s baseball sa UAAP Season 79 sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Tinalo ng Lady Falcons ang University of Santo Tomas, 9-2 sa six innings para palakasin ang tsansa sa pag-angkin sa record na ika-16 sunod na titulo.

Bagama’t sumasakit ang kamay ay nagtala pa rin si Adamson pitcher Lyca Basa ng tatlong strikeout samantalang humataw si Angelie Ur-sabia ng tatlong RBIs.

Matapos magbigay ng dalawang runs sa Tigresses ay nagtala ang Lady Falcons ng limang runs.

Mula dito ay hindi na nakabangon ang UST kung saan hindi na natapos ni pitcher Mary Ann Antolihao ang laro sa fourth inning dahil sa kanyang knee injury.

Tatangkain ng Adam- son na tapusin ang kanilang serye sa Game Two sa Biyernes sa Malate venue.

“Sabi ko sa mga bata, walang pressure, there’s nothing new in the Finals. Just do what you’ve been doing in the first two rounds. At isa pa, surprise me,” sabi ni Lady Falcons coach Ana Santiago.

Samantala, binigo naman ng Blue Eagles ang Growling Tigers, 9-2 para kunin ang 1-0 bentahe sa kanilang baseball championship series.

Sinabi ni Ateneo coach Randy Dizer na determinado ang kanyang koponan na makabangon mula sa kabiguan nila sa De La Salle sa Finals na tumapos sa kanilang tatlong taon na paghahari.

“Right, after last year, we wanted to get it back,” wika ni Dizer.

Hahangarin ng Blue Eagles ang kanilang ikaapat na titulo sa hu-ling limang UAAP seasons laban sa Tigers sa Game 2 sa Biyernes.

Ang palo ni Javi Macasaet ang nag-akay kina Dino Altamonte at Radito Banzon sa home base para sa 8-1 abante ng Ateneo sa bottom sixth.

 

SOFTBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with