Maliksi palit kay Lee sa Gilas
Nelson Beltran (Pang-masa) - March 15, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hinirang si Allein Maliksi, naging scoring leader ng Star Hotshots sa nakaraang 2017 PBA Philippine Cup, ang pinakabagong idinagdag sa Gilas Pilipinas bilang kapalit ng may injury na si Paul Lee.

Inaasahang sasama si Maliksi sa Gilas bago matapos ang Day One sa three-day training camp ng Nationals sa Splendido sa Tagaytay kahapon.

Natanggap ni Maliksi ang tawag kahapon ng umaga.

Hindi naman makakasama sa training camp si Lee, naging bahagi ng Gilas team na lumaban noong 2014 FIBA World Cup sa Spain, dahil sa isang meniscal tear.

Sinabi ni National coach Chot Reyes na hindi niya isasara ang kanyang pintuan para sa pagbabalik ni Lee, isang combo guard na maaaring tumapat sa mga big guards sa FIBA Asia Cup sa Agosto.

Maliban kay Lee, hindi rin nakasama sa Tagaytay training si Globalport guard Terrence Romeo na limang araw nang may lagnat, habang nagpapahinga naman sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar matapos ang all-Filipino Finals.

Si Maliksi, naglaro para sa UM Hawks at UST Tigers ay dagdag na outside threat para sa Gilas bukod pa kina Matt Wright, Art dela Cruz, Jonathan Grey, Roger Pogoy at Kevin Ferrer.

Pinangunahan ng 6-foot-4 gunslinger ang Hotshots sa scoring sa nakaraang Philippine Cup sa kanyang average na 14.2 points a game – ang kanyang pinakamataas na average.

ALLEIN MALIKSI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with