SEAG Task Force muling makikipag-usap sa NSAs
Abac Cordero (Pang-masa) - March 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Papasok sa ikalawang round ng pakikipag-usap ang SEA Games sa iba’t ibang NSAs (national sports associations) na maglalahok sa Kuala Lumpur SEAG sa Agosto.

Sinabi ni Task Force head Tom Carrasco na magpapatuloy ang pakikipagdiskusyon  tungkol sa mga pa-ngangailangan ng mga atleta at coaches na kakatawan ng bansa sa SEAG.

Limang buwan na lamang bago ang Aug. 19-31 meet at sinabi ni Carrasco na magpapatuloy ang pakikipagdiskusyon sa April o May.

Ngunit iginiit ni Carrasco na bagama’t ginagawa pa ang pakiki-pagdiskusyon sa mga  NSAs kahit malapit na ang SEA Games, hindi ito nanga-ngahulugang wala pang naaayos.

“Things are moving well. Gumagalaw naman lahat,” sabi ni Carrasco na itinanggi gahol na ang preparas-yon para sa kampanya ng Philippine team. “No, we’re not cramming.”

Lalaban ang Philippines sa 37 events mula sa 38 na inilatag ng Kuala Lumpur at sinabi ni Carrasco na walang tigil ang training ng mga athletes para sa Malaysia SEA Games.

 Sa katunayan, may mga Filipino athletes na nagsasanay ngayon sa ibang bansa.

“Not because the discussions are still going on means that our athletes are not training,” sabi ni Carrasco.

Sinabi niyang ang pakikipagdiskusyon sa NSAs ay para ma-update ang task force sa kanilang preparasyon at training ng mga Filipino athletes.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na magiging abala sila sa susunod na limang buwan para sa paghahanda ng SEA Games-bound Pinoy athletes.

 Ayon kay Cojuangco, totodo na ang training sa susunod na buwan sa pagsisimula ng pagpasok ng ma-laking grupo ng atleta sa temporary training quarters sa Zambales Sports Center sa Iba, Zambales.

“We’re targeting the middle of April. As soon as the facilities are ready, the athletes can start going there. The good thing is that many of them are excited to go there,” aniya.

Sa Zambales, ang mga atleta na aabot sa humigit kumulang sa 100 katao ay magsasama-sama para mag-training  na bantay sarado ng mga coaches.

“There are a lot of things that our athletes will be doing for the first time,” ani Cojuangco.

SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with