^

PM Sports

Soltones inihatid ang Baste sa korona

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagwagi sina Gret-chel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian College Lady Stags kontra sa San Beda College Red Lionesses, 16-21, 21-15, 15-11, sa Finals kahapon upang masungkit ang kanilang ikaapat na sunod na titulo sa 92nd NCAA women’s beach volleyball tournament na ginanap sa Beach Sands ng Subic Park Hotel.

Matapos maiwanan sa first set, 16-21, umarangkada sina Soltones at Eroa ng sunud-sunod na puntos  na nagpa-lamig sa laro nina twin sisters  Ma. Nieza at Ma. Jeziela Viray ng Red Lionesses patungo sa kanilang 10-game sweep sa torneo.

Sa kanilang panalo ay naging pinaka-winningest team ang Lady Stags sa NCAA beach volleyball simula nang ginawang regular sports events ang kumpetisyon noong 2002.

“Goodbye and thank you coach for helping us get here,” ani Soltones kay coach Roger Gora-yeb ng San Sebastian.

Samantala, inangkin nina Relan at Rey Taneo, Jr. ng Perpetual Altas ang men’s crown nang daigin sina Jhonel Badua at Joeward Presnede ng Lyceum Pirates, 21-16, 20-22, 17-15.

Nakabawi ang mag-utol na Taneo, humawak ng ‘twice-to-beat’ bonus matapos ang nine-game sweep sa elims, mula sa 21-15, 16-21, 13-15 pagyukod kina Badua at Presnede sa Game One.

Sa juniors class, ti-nalo naman ng EAC Brigadiers ang Letran Squires, 24-22, 21-15, para sa kanilang ikaapat na titulo.

 

GRET-CHEL SOLTONES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with