Beermen target ang 2-0 bentahe
Francisco Cagape (Pang-masa) - February 26, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kahit tinambakan sa opening game ay nana-natili pa ring matatag ang Barangay Ginebra kontra sa San Miguel Beer sa Game 2 ng best-of-seven championship series ngayon sa PBA Philippine Cup sa Quezon Convention Center ng Lucena City.

Ipinakita ng Beermen ang kahandaan nila sa serye sa pamamagitan ng kanilang mataas na 64 percent shooting, habang ang Gin Kings ay nagtala lamang ng 41 percent sa Game 1 noong Biyernes.

Dahil sa mataas na shooting percentage ay tinambakan ng Beermen ang Gin Kings, 109-82.

“There is only about Ws and Ls. They got the W, we got the L. They’re one game closer to the championship and we’re one game farther back.  It doesn’t matter if you lose by 30 or one point. It’s all the same. We just got to put it away, move forward, and go on. We’re not going to sit back and regret about this one. It’s done. We got to be ready for the next one,” sabi ng multi-titled coach na si Tim Cone.

Idinahilan din ni Cone ang kakulangan sa preparasyon dahil sa dalawang araw lamang ang pahinga mula nang madispatsa nila ang Star Hotshots sa semis no-ong Martes.

“We weren’t ready and that’s on me. I should’ve gotten our guys ready and we weren’t ready. It shouldn’t be an excuse whatever happened out there. We just didn’t have anything in Game 1,” dagdag ni Cone.

Ayaw din nina LA Tenorio at Japeth Aguilar na sisihin ang fatigue factor na dahilan sa ka-nilang mababang per-formance.

Si Tenorio ay umiskor lamang ng 5 puntos mula sa 2-of-8 shooting at si Aguilar ay umani rin ng 5 puntos sa 1-of-10 shooting.

“Fatigue? Hindi na. Nakapag-break na kami ng isang araw eh. So I think fatigue is not a factor. Every series may ganito kaming game eh. So we just have to move forward and prepare as much as we can for (the) Lucena (game),” sabi ni Tenorio.

Para kay Aguilar, kalimutan na ang nangyari at mag-focus na lang ang Gin Kings sa laro ngayon.

“Energy wise, we thought we had energy.  Obviously energy wasn’t the key cause they still beat us. We just need to be better next game and be ready. Game One is over, we just have to move on. We just didn’t play in a high level. Di namin na-execute ‘yung game plan,” ani Aguilar.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with