Umiskor si LeBron James ng Cleveland laban kay Carmelo Anthony ng New York.
Hataw ulisi LeBron
(Pang-masa) - February 25, 2017 - 11:03pm

Umiskor si LeBron James ng Cleveland laban kay Carmelo Anthony ng New York.

 

CLEVELAND -- Inirehistro ni LeBron James ang kanyang ika-48 career triple-double habang umiskor si Kyrie Irving ng 23 points para pangunahan ang Cavaliers sa 119-104 panalo laban sa New York Knicks na hindi pinakawalan sina superstar Carmelo Anthony at Derrick Rose sa trade deadline.

 

Nagtala si James ng 18 points, 13 rebounds at 15 assists para sa kanyang ikaanim na triple-double ngayong season habang nag-ambag si Kyle Korver ng 20 markers para sa Cleveland na tinalo ang New York sa pang-10 sunod nilang pagkikita.

Tumapos naman si Anthony, naging sentro ng trade rumors dahil sa kanyang matabang na relasyon kay Knicks President of Basketball Operations Phil Jackson, na may 20 points.

Pinangunahan ni Courtney Lee ang New York sa kanyang 25 points at nagkaroon naman si Knicks forward Kristaps Porzingis, ang second-leading scorer ng koponan ng sprained right ankle sa second quarter at hindi na nagbalik sa laro.

Kumamada ang Cavaliers ng 25-8 atake para makalayo sa Knicks sa first half bago ilista ang 72-51 kalamangan sa third period.

Nag-ambag naman si Rose, nasangkot din sa trade rumors ng 13 points para sa New York.

Sa New Orleans, hindi naging mabisa ang Pelicans’ tandem nina All-Star DeMarcus Cousins at All-Star Game MVP Anthony Davis matapos yumukod sa Houston Rockets, 99-129.

Nagpasabog si reserve Lou Williams ng pitong three-pointers at tumapos na may 27 points para sa kanyang Rockets debut.

“Nobody expected us to win the championship on our first game. We see the potential. We see what we need to work on,” sabi ni Cousins. “Houston’s a very good team, a very seasoned team. They have their identity and we’re trying to find ours right now. It’s going to be a process.”

Tumipa si Davis ng 29 points habang kumolekta si Cousins ng 27 points at 14 rebounds para sa New Orleans matapos siyang ibigay ng Sacramento Kings kamakailan.

Nagdagdag naman si Eric Gordon ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Ryan Anderson, habang naglista si James Harden ng 13 points at 14 assists.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with